Maanne Ilagan Lopez
A WORK IN PROGRESS

Mahal kita paalam na

October 8-11, 2008

Sa simula pa lang walang patutunguhan
Pero hinayaang mahulog ang pusong sinalo mo naman
Ako’y nanghina sa tamis ng dila mong di makatotohanan
Pati puso kong bato nanlambot at bumigay sa lambing mo

Bawat sandali parang walang kinabukasan
Magsasaya kahit kabang-kabang di na maulit pa
Nakikiusap wag kang aalis, kamay ko ay wag mong bibitawan
Oras pahihintuin, sana ikaw ay akin aking panalangin

Ngunit nangyari nang inaasahan
Ito ang araw na ika’y magpapaalam
Nakakagulat, kasi ang bilis ng pangyayari
Yun na yun! Ganun na lang!

(Mahal kita paalam na) Wag mo kong kalimutan ha
(Mahal kita paalam na) Salamat sa lahat sinta
(Mahal kita paalam na) Mahal na mahal kita
(Mahal kita paalam na) Mahalin ka rin sana niya

Sabi nga nila di ako para sa’yo
Pero di pinansin puso ang susundin ako’y sa’yo pa rin
Di magsisisi anuman ang mangyari kahit masaktan lang
Ikaw ay susulitin at sobrang mamahalin sila’y dededmahin

Ngunit nangyari nang inaasahan
Ito ang araw na ika’y magpapaalam
Nakakagulat, kasi ang bilis ng pangyayari
Yun nay un! Ganun na lang!

(Mahal kita paalam na) Wag mo kong kalimutan ha
(Mahal kita paalam na) Salamat sa lahat sinta
(Mahal kita paalam na) Mahal na mahal kita
(Mahal kita paalam na) Mahalin ka rin sana niya

Nakakainis, nakakabaliw
Ayokong magpaalam
Nakakainis, nakakabaliw
Pero kailangan
Haayy…
Mahal kita, paalam na
Putik ansakit!

(Mahal kita paalam na) Wag mo kong kalimutan ha
(Mahal kita paalam na) Salamat sa lahat sinta
(Mahal kita paalam na) Mahal na mahal kita
(Mahal kita paalam na) Mahalin ka rin sana niya

(Mahal kita paalam na) Wag mo kong kalimutan
(Mahal kita paalam na) Salamat
(Mahal kita paalam na) Mahal na mahal kita
(Mahal kita paalam na) Mahalin ka rin sana niya

Advertisements

No Responses to “Mahal kita paalam na”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: